Engagement ring ni Jessy Mendiola, nababalot ngayon ng kontrobersya

Ibinulgar ng aktres na si Jessy Mendiola ang katotohanan kaugnay sa kanyang engagement ring na nababalot ngayon ng kontrobersya.

Ito ay makaraang sabihin ng “Radiant Lux Jewelry” na sila ang orihinal na creator ng singsing na ipinagawa ni Luis para kay Jessy at hindi ang Manila Diamond Studio na siyang binigyang credit ng magkasintahan.

Sa vlog ni Jessy, inamin ng aktres na unang nagpagawa si Luis sa Radiant Lux Jewelry dahil kaibigan ng aktres ang isa sa creator nito.


Pero ipinabago ni Jessy ang disenyo ng singsing sa tulong ng Manila Diamond Studio upang matanggal ang panget na ala-ala sa disenyo ng unang singsing.

Kwento ng aktres, May 2020, nag-break sila ni Luis kung saan sa hindi malamang rason ay ipinakita ng kaibigan nito sa kanya ang dapat sana’y siktretong engagement ring ni Luis para sa aktres.

Dahil sa ginawa ng kaibigan, sinabi ni Jessy na inalis nito ang isa sa milestone ng isang babae at iyon ay ang excitement na nararamdaman habang nagpo-propose ang isang lalake.

Kahit masakit dahil nalaman na ni Jessy na magpo-propose na si Luis ay nag-move na lang sila at ito ang dahilan kaya ipinabago niya ang unang disensyo ng kanyang singsing.

Facebook Comments