ENGINE FAILURE | Isang Southwest Airline plane, nag-emergency landing sa Philadelphia

Amerika – Nagsagawa ng emergency landing ang isang eroplano ng Southwest Airlines matapos masira ang isa sa makina nito.

Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA), mula New York ay patungo sana ang eroplano sa Dallas nang mawala ng kontrol sa left-side engine.

Maayos na nakalapag ang eroplano sa Philadelphia International Airport.


Isang pasahero ang idinala sa ospital matapos tamaan ng shrapnel mula sa nasirang engine.

Nagpadala na ng investigating team ang national transportation safety board sa lugar para siyasatin ang insidente.

Facebook Comments