ENGINEER, ARESTADO DAHIL SA DROGA

CAUAYAN CITY- Kulong ang isang kawani ng gobyerno matapos masamsaman ng iligal na droga sa Brgy. Bantay, Paracelis, Mountain Province.

Kinilala ang suspek na si alyas “Benjie”, 44-anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Nasamsam sa suspek ang dalawang (2) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 13.68 gramo.


Naaresto ang suspek matapos masilbihan ng search warrant na inisyu ni Hon. Jane Andomang, Presiding Judge ng 3rd MCTC ng Besao-Sagada, Sagada, Mountain Province na may petsang ika-24 ng Mayo taong kasalukuyan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang operasyon upang tugisin ang miyembro ng teroristang grupo na tumakas mula sa engkwentro.

Facebook Comments