ENGKWENTRO | 10 miyembro ng Maute group, nakasagupa ng militar sa Lanao Del Sur

Lanao Del Sur – Nakaenkwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sampung miyembro ng Maute group sa Masiu, Lanao Del Sur.

Naganap ang sagupaan sa barangay kalilangan kung saan walang naitalang casualties sa pagitan ng mga lokal na terorista at mga miyembro ng 49th infantry battalion.

Ayon sa militar, ang mga ay miyembro ng grupo na pinamumunuan ni Najib Pundog.


Narekober matapos ang engkwentro ang isang watawat ng ISIS, drug paraphernalia, iba’t-ibang armas at pampasabog.

Facebook Comments