ENGKWENTRO | 2 miyembro ng gun for hire at robbery hold up group patay sa buy-bust operation

Laguna – Nasawi ang dalawang miyembro ng gun for hire group at robbery hold up group matapos ang ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Biñan Laguna sa Phase 2, Southville 5-A, Barangay Langkiwa Biñan City kagabi.

Kinilala ang dalawang nasawing suspek na sina Darille Tabula at Jonhrick Antoniano.

Ayon kay PNP CALABARZON Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga pulis pero natunugan ng mga suspek na sila ay nakikipag-transaksyon sa mga pulis.


Dahil dito agad na nagpaputok ng baril ang mga suspek laban sa mga pulis na nakaganti naman agad ng putok at ikinasawi ng mga suspek.

Sinabi ni Gaoiran na bukod sa pagkakasangkot sa gun for hire activities, robbery hold up at sangkot din ang mga ito sa pagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Langkiwa at mga kalapit pang Barangay sa Biñan City.

Facebook Comments