Davao Del Sur – Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ng mga sundalo sa Sta. Cruz, Davao Del Sur.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Julito Pueblas alyas “Taghoy” ang sinasabing commanding officer ng Sentro De Grabidad, Guerilla Front 51 ng Southern Mindanao Regional Committee.
Isa naman ang arestado na kinilalang si Jessa Lumana.
Nangyari ang sagupaan alas 11:25 kahapon ng umaga sa Sitio Bayongon, Barangay Astora.
Isang concerned citizen kasi ang nagsumbong sa militar tungkol sa presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.
Naniniwala naman ang militar na ilan pang NPA members ang nasugatan sa engkwentro base na rin sa mga bakas ng dugo sa encounter site.
Facebook Comments