ENGKWENTRO | 2 sagupaan ng NPA, at militar, naitala kahapon

Agusan Del Norte – Dalawang sagupaan ang nangyari kahapon sa pagitan ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) at tropa ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army na ikinasawi ng isang sundalo.

Alas siyete ng umaga kagahapon unang nagkabakbakan ang GF16 ng NPA at tropa ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army sa Sitio Ancili, Barangay Bangayan, bayan ng Kitcharao, Agusan Del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Gleen Joy Aynera, 29th IB Commander na walang casualty sa naturang sagupaan.


Ilang oras lang ang lumipas, 12pm kahapon nasalubong na naman ng tropa ng 29th IB ang mga rebelde sa Barangay Anticala, Butuan City resulta sa bakbakan na ikinamatay ni PFC Roger Badayos ng 29th LB, 27 taong gulang, may asawa, residente ng Barangay Carmen, Cagayan De Oro City.

Ang bangkay ni PFC Badayos ang nakatakdang dalhin ngayong araw sa Cagayan De Oro City.

Facebook Comments