ENGKWENTRO | 2 sundalo, nasa maayos nang kalagayan matapos makipagpalitan ng putukan sa NPA

Balayan, Batangas – Stable na ang kondisyon ng dalawang sundalo na sugatan matapos maka-engkwentro ang mga NPA sa Balayan, Batangas.

Sa ulat, dalawang beses naganap ang sagupaan sa Sitio Kapihan, Barangay Patungo kung saan tumakas ang mga rebelde dahil sa hindi kinaya ang pwersa ng militar.

Sa follow up operation ng militar, may mga naiwang bakas ng dugo ang mga rebelde kung kaya at hinala nila na grabe ang tinamong sugat ng iba sa mga ito.


Maayos naman na ang lagay ng dalawang sundalo na pawang miyembro ng 202nd army brigade ng AFP.

Facebook Comments