ENGKWENTRO | 2 sundalo, sugatan sa engkwentro konta NPA sa Davao Oriental

Davao Oriental – Dalawang sundalo ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army sa Davao Oriental.

Ito ay ilang oras bago ideklara ang tigil-putukan para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Philippine Army 10th Infantry Division (Id) Spokesman, Capt. Jerry Son Lamosao – nakasagupa ng 6th scout ranger company ang tinatayang 50 miyembro ng mga rebeldeng komunista sa Barangay Tubaon, Tarragona.


Rumesponde aniya ang tropa ng militar sa lugar matapos makatanggap ng ulat ng pangha-harass ng sibilyan ang NPA.

Nagtagal ng 30 minuto ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde.

Facebook Comments