ENGKWENTRO | 4 na lalaki na miyembro ng criminal gang, patay matapos manlaban

Zamboanga del Sur – Patay ang apat na lalaking na pawang mga miyembro ng criminal gang sa nangyaring shootout sa may Purok 4, Barangay Cumarom sa bayan ng Midsalip, Zamboanga del Sur.

Sa ulat, magsisilbi sana ng arrest warrant ang pulisya sa kasong murder laban kina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan na nasa no. 7 sa listahan ng mga “most wanted person” sa lalawigan.

Pero nagpaputok ang mga ito kaya at napilitan gumanti ang mga otoridad kung saan dead on the spot ang dalawang target ng operasyon at ang dalawa pa nilang kasama na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.


Narekober ng mga pulis mula sa apat na nasawi ang samu’t saring mga improvised shotgun; .45-caliber pistol; maraming mga bala at mga bladed weapon.

Facebook Comments