Sulu – Patay ang apat na abu sayyaf group habang lima ang sugatan matapos na magka engkwentro ang mga sundalo at ASG sa boundary ng Barangay Tanum and Liang, Patikul, Sulu kaninang hating gabi.
Sa ulat ng AFP Western Mindanao Command commander lt gen Arnel Dela Vega nakaengkwentro ng 45th Infantry Batallion ng Philippine Army ang 20 miyembro ng ASG.
Nagresulta ito sa pagkasawi ng apat na ASG at pagkasugat ng lima pa.
Sa tropa ng pamahalaan isa ang nasawi habang dalawa ang sugatan.
Agad na isinugod sa Camp Navarro General Hospital ang mga sugatang sundalo.
Kaninang pasado alas-9:00 ng umaga naman ay muling nagkabakbakan ang 1st Scout Ranger Battalion 20 miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Barangay Tabu-Bato, Maimbung, Sulu.
Sa sagupaan isa ang naitalang nasawi sa panig ng mga kalaban habang narekober rin ng militar ang isang M16 rifle.