Sulu – Nasawi ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng 5th Scout Ranger Battalion ng Philippine Army at nasa 30 miyembro ng ASG na mga tauhan ni ASG top leader Radulan Sahiron at Sub-leader Julie Ekit, Amlon Abtahi at isang Amah Asam. Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo-ann Petinglay, nagsasagawa ng focused military operation ang tropa ng militar sa Barangay Panglahayan, Patikul, Sulu nang makasagupa ang mga bandido. Halos 20 metro lamang ang pagitan ng dalawang grupo ng magka-bakbakan pero naging maingat ang militar sa pangambang may bitbit na kidnap victims ang mga bandido. Pagkatapos ng sagupaan narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang Elisco M16A1 rifle at isang Colt M16A1 rifle. Tiniyak naman ni Brigadier General Cirilito Sobejana, commander of the Joint Task Force Sulu na magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa mga bandido upang mapilitang pakawalan ang mga natitira pa nilang bihag.
ENGKWENTRO | 5 miyembro ng Abu Sayyaf Group, nasawi sa sagupaan sa Sulu
Facebook Comments