*Manila, Philippines – Patay ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group habang pito ang sugatang miyembro ng Philippine Marines matapos ang naganap na sagupaan sa Bud Bawis Panamao Sulu kaninang madaling araw.*
*Sa ulat ng militar nagtagal ng 90 minuto ang sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng limang terorista at pagkasugat ng pitong sundalo.*
*Kinilala ang mga nasawing terorista na sina Mikdak Juhurim, Annin Black, Tasom Hammiri, Undil Husin at isang Roger.*
*Nakuha sa mga ito ang isang M14 rifle.*
*Sinabi naman ni Brigadier General Cirilito Sobejana ang Commander ng Joint Task Force Sulu ang pagkakapatay sa limang ASG members ay bahagi ng kanilang mas maigting na pagtugis sa mga bandido.*
*Tiniyak naman ni Sobejana na tuloy ang knilang operasyon laban sa mga ito uoang mailigtas nila ang natitira pang bihag na hawak ng Abu Sayyaf Group.*