ENGKWENTRO | BJMP, kumilos na para maresolba ang nangyaring pamamaril sa Muntinlupa City

Muntinlupa City – Nais ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mabilis na maresolba ang kaso ng pamamaril sa dalawang tauhan nito sa Muntinlupa City.

Kasabay ng panawagan ng BJMP para hustisya, nagparating na ito ng pakikiramay sa nga naulila nina Jail Officer 1 Felino Salazar at Jail Officer 2 Elmer Malibdao na kapwa nakatalaga sa Muntinlupa City Jail.

Nakikipag-ugnayan na ang BJMP para sa pagkakaloob ng kaukulang tulong.


Batay sa progress report ng may person of interest na ang Southern Police District.

Isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) na nakitang may bitbit na baril sa crime scene ang inaresto.

Inaalam na rin ng SPD kung nahagip ang CCTV ang pamamaril.
<#m_9190110749927465469_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments