ENGKWENTRO | Higit 1,000 pamilya sa Lanao del Sur, lumikas kasunod ng bakbakan ng militar at Maute group

Lanao del Sur – Umabot na sa 1,391 pamilya ang lumikas sa Lanao del Sur dahil sa patuloy na operasyon ng militar laban sa mga miyembro ng teroristang grupong Maute.

Ayon kay Tubaran Mayor Khaledyassin Papandayan, tuloy ang ayuda nila sa mga pamilyang lumikas.

Matatandaang binomba ng mga eroplano ng Philippine air force ang Tubaran noong Linggo kung saan tinatayang may 40 miyembro pa ng Maute, kabilang ang lider nilang si Alyas Abu Dar.


Isa si Dar sa may mahalagang papel sa giyera sa Marawi noong nakaraang taon.

Paliwanag ni Joint Task Group Ranao Deputy Commander Colonel Romeo Brawner, natunton ng mga awtoridad sa Tubaran si Abu Dar dahil sa pagkakasangkot umano niya sa pagkamatay ng isang kandidato nong may election.

Bago naging miyembro ng Maute, naging miyembro si Abu Dar ng Dawah Islamiya at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Facebook Comments