ENGKWENTRO | Isa sa kidnaper ng dalawang babaeng pulis na nadukot sa Sulu, patay sa sagupaan

Sulu – Patay ang isa sa mga kidnaper sa dalawang babaeng pulis sa lalawigan ng Sulu.

Ito Ay matapos na magkasagupa ang 5th Scout Ranger Battalion ng Joint Task Force Sulu at ang mga armadong grupo na pinaniniwalaang Abu Sayyaf habang kasama ang mga dinukot na pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Naganap ang engkwentro sa Barangay Mauboh, Talipao, sa lalawigan ng Sulu kung saan nagsitakas agad ang mga armdong grupo bitbit pa rin ang bihag na dalawang babaeng pulis.


Tatlong sundalo naman ang sugatan sa sagupaan at patuloy pa rin ang operasyon ng Joint Task Force Sulu para mailigtas ang mga bihag na pulis.

Una nang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na limang milyong piso ang hinihinging ransom para mapalaya ang dalawang babaeng pulis.

Facebook Comments