ENGKWENTRO | Kampo ng NPA, nakubkob ng militar sa naganap na sagupaan sa Agusan Del Norte; 3 NPA, patay

Agusan Del Norte – Dead on the spot ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang na magkasagupa ang militar at nasa 30 miyembro ng teroristang NPA sa Barangay Bangayan, Kitcharao, Agusan Del Norte kahapon ng hapon.

Sa report ng 4th infantry division ng Philippine Army, nakatanggap ng ulat ang tropa ng 29th infantry battalion mula sa mga residente sa lugar na may presensya ng npa sa kanilang kaya agad silang rumesponde.

Pero sa pagresponde ng militar sa lugar nagkaroon ng palitan ng putok dahilan pagkasawi ng tatlong miyembro ng NPA.


Ang mga nasawing terorista ay miyembro ng North Easter Mindanao Regional Commitee ng NPA.

Habang nakuha rito ang isang M4 Sniper Rifle na may scope, ibat ibang bala, limang improvised landmines, isang hand grenade, isang rifle grenade, at mga cellphone.

Nakubkob din ng militar ang kampo ng npa na kayang i-accommodate ang 100 indibidwal.

Siniguro ni Major General Ronald Villanueva ng 4th infantry division na patuloy ang kanilang hot pursuit operation para matiyak na magiging ligtas ang mga taga-Northern Mindanao at Caraga Region sa panggugulo ng mga terorista.

Facebook Comments