Bulacan – Kinilala na ang dalawa sa apat na napatay na miyembro ng kidnap for ransom group sa engkwentro sa Bulacan.
Kinilala ni PNP Chief Bato Dela Rosa ang napatay na sina Kenneth Alminanza at Jonathan Mendez. Inaalam pa naman ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.
Iniutos naman ng PNP Chief na kunin dead or alive ang isa sa dalawa sa nakatakas. Isa na rito ang Osi Ronaldo Alminanza.
Nakuha sa pinangyarihan ng sagupaan ang 2 sub machine gun, 2 M-16, at 2 maiiksing baril na ginamit ng grupo para ratratin ang operatiba ng AKG.
Nangako naman si Dela Rosa kay Bernadette Masongsong na hindi sila pababayaan.
Magtutungo na rin si Bato sa Chinese General Hospital kung saan ginagamot si Pcinsp Reynaldo Lumactod.
Naunang nagkasa ng entrapment operation ang AKG matapos na magsumbong ang kapatid ng kidnap victim na si Raziel Esguerra na ipinatutubos sa halagang 15 million pesos.
Sa isang gasolinahan sana sa Balagtas, Bulacan ide-deliver ang ransom money pero inilipat ng KFR group ang lugar sa Angat, Bulacan.
Sa may bahagi ng main road ng Crossing, sa Barangay Sta Lucia, Angat, Bulacan natunton ang gamit na sasakyan ng mga kidnaper na isang puting Mitsubishi Adventure na may plakang SHP289.
Pero, nakatunog dito na nakatunog ang mga suspek na nagbunsod sa palitan ng putok.