Bacolod City – Patay ang lider ng drug group na responsable sa pamamaril sa hepe ng Bacolod Police Station 3.
Sa ulat, nagsagawa ng hot pursuit operation ang Bacolod City Intelligence Unit, Bacolod Police Station 3 at Special Weapons and Tactic (SWAT) matapos mapatay ang hepe na si Senior Inspector Victor Paulino.
Papalapit pa lamang ang mga pulis nang magpaputok ang suspek na si Ramy Poja na siyang no. 1 most wanted person habang nasa bahay ng kamag-anak nito na si Salvador Poja.
Dito na napatay ang suspek na si Ramy na sinasabing lider ng Poja drug group kasama ang kaibigang si Roberto Lim na isa ring wanted.
Sugatan naman ang tauhan ng suspek na si Rusty Constatino, habang naaresto naman ang kasintahan ni Ramy na si Claudine Bindol at kasabwat na si Cyril Jarina.