ENGKWENTRO | Mga miyembro ng New People’s Army na nakasagupa ng militar sa barangay Iba, Cabanglasan, Bukidnon – patuloy na pinaghahanap

Bukidnon – Pinaghahanap na ng militar ang mga miyembro ng New People’s Army na nakasagupa nila sa Barangay Iba, Cabanglasan, Bukidnon.
Nabatid na habang nagsasagawa ng route security ang militar sa nasabing lugar, nagkaroon ng palitan ng putok laban sa mahigit kumulang limang miyembro ng spp o sandatahang platoon pamproganda 1, section committee 89 ng NPA.
Dahil dito, sugatan sa engkwentro si corporal olisito tubos na tinamaan ng bala sa ibabang bahagi ng kanyang ulo habang inaalam pa ng militar kung may namatay o nasugatan sa panig ng mga rebelde.
Tiniyak naman ng militar na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng serbisyo at seguridad sa mamayan kung saan patuloy ang knailang hot pursuit para matunton ang mga NPA.

Facebook Comments