ENGKWENTRO | Mga pulis na sugatan sa pakikipagbarilan sa mga NPA sa Agusan Del Sur, nasa mabuti nang kalagayan

Rosario, Agusan Del Sur – Nasa maayos nang kalagayan ang dalawa sa tatlong pulis na nasugatan matapos makasagupa ang npa sa Rosario, Agusan Del Sur.

Nabatid na nasagip ng mga barangay tanod at kapwa pulis, ang hindi pa pinangalanang mga sugatang pulis kung saan ang isa ay nakalabas na dahil nadaplisan lamang ito sa kanyang katawan.

Napag-alamang naglunsad ng foot patrol ang mga pulis sa nasabing lugar nang kanilang makasagupa ang mga miyembro ng teroristang NPA.


Sa halip na umatras, nanlaban ang mga pulis hanggang sa dumating ang mga back-up ng mga ito dahilan para umatras ang mga rebelde.

Facebook Comments