ENGKWENTRO | Miyembro ng Abu Sayyaf, sawi sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa Sulu

Sulu – Patay ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf habang anim ang sugatan sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa Sulu.

Sa ulat ng Joint Task Force Sulu, dalawang sundalo rin ang nasugatan sa naturang operasyon.

Nabatid na naka-engkwentro ng tropa ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang hindi pa matukoy na bilang mga Abu Sayyaf sa Barangay Buhanginan sa munisipyo ng Patikul.


Umabot ng ilang minuto ang bakbakan bago umatras ang mga bandido.

Kinilala ang napatay na bandido na si Ulla Laduan habang dalawa sa anim na naitalang sugatan at kinilala ring sina Ben Ulamah at Jehad Usman.

Kasalukuyan nasa Camp Navarro General Hospital sa headquarters ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City ang dalawang sugatang sundalo.

Facebook Comments