ENGKWENTRO | Pulis, patay matapos barilin

Pasig City – Patay ang isang pulis habang sugatan ang kasamahan nito matapos na makipagbarilan sa mga drug suspects sa Caniogan, Pasig City.

Namatay habang ginagamot sa Rizal Medical Center ang pulis na si PO1 Wilfredo Gueta na may dalawang tama ng bala sa dibdib habang dead-on-arrival naman ang suspek na bumaril sa kaniya na nakilalang si Roberto Liaguno.

Ginagamot din sa nasabing ospital ang pulis na si PO1 Raymond Dela Cruz na tinamaan ng bala sakaliwang binti.


Sa ulat, nagsasagawa ng validation ng mga drug users at pushers ang mga pulis sa Katarungan Street nang makita nila ang suspek na tumakbo kaya at agad nila itong hinabol.

Bago makapasok ng kaniyang bahay ang suspek ay nabaril nito sa dibdib si PO1 Gueta habang nakipagpalitan ng putok si PO1 Dela Cruz kung saan may mga kasama ang napatay na suspek pero nakatakas ang mga ito.

Facebook Comments