Bohol, Philippines – Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang kumpirmadong napatay sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng militar at kapulisan kontra sa mga diumanoy miyembro ng bandidong grupo na Abu Sayyaf kaninang alas dose ng tanghali sa munisipalidad ng Clarin lalawigan ng Bohol.
Si Joselito Melloria na taga-Inabanga, Bohol at kasama ng Abu Sayyaf Group na nakaengkwentro din ng mga militar at kapulisan noong nakaraang Abril onse sa nasabing lungsod ang napatay kanina sa isa na namang engkuwentro sa Clarin.
Kinumpirma mismo ng direktor ng Police Regional Office Central Visayas Chief Supt. Noli Taliño ang pagkamatay ni Melloria.
May iba pang lima ka tao ang diumanoy napatay sa naturang engkuwentro sa Clarin, Bohol ngunit hindi pa nakumpirma ng kapulisan at militar kung mga Abu Sayyaf Member ba ito o hindi.
Sa ngayon, nag-issue na ng advisory ang munisipalidad ng Clarin at karatig nitong mga lungsod para sa mga residente na manatili sa kanilang mga bahay, huwag lumabas, at magtago kung may marinig na putokan para na rin sa kanilang kaligtasan at seguridad.
Nation
Engkwentro sa pagitan ng mga pulis at militar kontra sa hinihinalang Abu sayyaf sa Clarin, Bohol – muling sumiklab; isa, patay
Facebook Comments