Engkwentro sa pagitan ng militar at NPA sa Bohol, nagpapatuloy; 1 pulis, sugatan

 

Nagpapatuloy ang engkwentro sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at New People’s Army partikular sa Sitio Matin-ao 2, Brgy Campagao, Bilar, Bohol.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Louie Dema-ala, nag-umpisa ang sagupaan kaninang alas-6:45 ng umaga.

Aniya, 1 na ang sugatan sa panig ng pulisya.


Patuloy pang beneberipika ang impormasyon na may 2 umanong sundalo ang killed in action habang 4 naman sa panig ng kalaban ang nasawi.

Facebook Comments