ENGKWENTRO | Sagupaan sa pagitan ng militar at nasa 50 miyembro ng BIFF, nagpapatuloy sa Salbu Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao

Maguindanao – Tuloy-tuloy ngayon ang sagupaan sa pagitan ng militar at nasa limampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Lower Salbu Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni 6th Infantry Division Spokesman Captain Arvin Encinas.

Aniya nagsasagawa ng zoning operation ang mga tauhan ng 2nd Mechanized Battalion ng Philippine Army ng makasagupa ang nasa 50 fully armed na miyembro ng BIFF na tauhan ni BIFF Commander alyas “Peni Sog” (Karialan Faction).


Nagpapatuloy ngayon ang monitoring ng AFP sa pinangyayarihan ng sagupaan upang matukoy kung may nasawi o nasagutan sa engkwentro.

Habang kaninang alas-8:25 ng umaga kanina nagkasagupa rin ang tropa ng militar at grupo ni BIFF Haron Motin sa Brgy. Pagatin Satu Salibo Maguindanao.

Walang naitalang nasawi o sugatan sa panig ng militar.

Facebook Comments