ENGKWENTRO | Tatlong drug suspect, patay sa buy-bust operation sa Antipolo

Antipolo City – Patay ang tatlong drug suspect makaraang mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation ng pulisya sa Antipolo City.

Kabilang sa nasawi ang itinuturing na high value target at miyembro ng Bong Chavez Group na isang illegal drug syndicate.

Ayon sa Antipolo City Police, biglang nanlaban ang mga suspek nang matunugang pulis ang kanilang katransaksyon.


Nakuha sa kanila ang P680,000 na halaga ng iligal na droga at apat na baril.

Facebook Comments