ENGKWENTRO | Tulak ng iligal na droga, patay matapos manlaban sa QC

Quezon City – Patay ang isang lalaki na tulak ng droga matapos manlaban sa mga pulis sa Barangay UP Village sa Quezon City.

Sa ulat, nagkasa ang mga operatiba ng QCPD Station 9 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon City field office ng buy-bust operation laban sa suspek na nakilala lamang sa alyas na Barok at kanyang hindi nakilalang kasabwat.

Pero natunugan ni alyas Barok na pulis pala ang kanilang kausap kaya tumakas ito sakay ng motorsiklo at iniwan ang kanyang kasama.


Nakipagbarilan naman ang kasama ni alyas Barok kung saan napatay ito ng gumanti ang mga otoridad.

Narekober mula sa suspek ang isang hindi lisensyadong kalibre 38 revolver, isang kalibre 22 na revolver at isang sachet ng shabu.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan nito at tinutugis na din ng mga pulis si alyas Barok.

Facebook Comments