Parehong gagamitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lenggwaheng English at Tagalog sa pag-deliver ng kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 25.
Ito ang inihayag ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa isang panayam.
Aniya, kung paanong nai-deliver ng pangulo ang kanyang inaugural speech ay ganoon din halos ang magiging pag-deliver nito kanyang SONA.
Hindi naman matukoy ni Rodriguez kung gaano kahaba ang magiging SONA message ng pangulo dahil hanggang kahapon ay isinusulat pa lamang ito ng pangulo.
Pero sesentro aniya ang SONA message sa ekonomiya, COVID response at pagsisimula ng face-to-face classes.
Matatandaang noong isinagawa ang inagurasyon ng pangulo ay nag-trending sa social media ang mga komentong dapat ay gumamit ito ng Tagalog sa kanyang inaugural speech upang mas lalo raw itong maramdaman ng bawat Pilipino.