
Ipinasisibak na rin sa serbisyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang isa pang opisyal ng DPWH.
Ayon kay Dizon, gumugulong na ang dismissal proceedings ni Project Engineer Paul Duya ng First Engineering District ng Bulacan.
Kaugnay pa rin ito ng konstruksyon ng flood control projects sa Calumpit, Bulacan.
Nauna na ring pinatatanggal ni Dizon ang district engineer na si Henry Alcantara at sina Asst. District Engineer Brice Fernandez at Construction Section Chief Jaypee Mendoza.
Ayon kay Dizon sa susunod na mga araw ay ilalabas na ang desisyon kina Hernandez at Mendoza at susunod na rin si Duya.
Facebook Comments









