Nararapat lamang na kaibiganin ng Pilipinas ang China na hindi isinusuko ang karapatan ng bansa.
Ito ang payo ni dating Senator Juan Ponce Enrile sa harap ng panawagan ng mga kritiko na kontrahin ang China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.
Ayon kay Enrile, hindi kakayanin ng Pilipinas kung kakalabanin ang China.
Suhestyon ng dating mambabatas, makipagnegosasyon sa China para sa posibleng pagkokonsidera ng oil exploration sa lugar.
“As far as I’m concerned, we will not gain anything by antagonizing China. I’m not pro-China. I do not have any interest in China but as a Filipino, I will take this position to protect my countrymen, to protect our core territory, to protect our economy. Maybe we can get better by talking to China instead of being aggressive,” sabi ni Enrile.
“We are in this region. Realistically, we cannot ignore China. We have to deal with China. Instead of making China a foe or irritate China, why don’t we befriend China without surrendering our rights? We befriend China because we are Orientals, we understand each other,” dagdag pa niya.
Dahil sagana sa langis ang WPS, duda si Enrile na yuyuko ang China sa kahit anong bansa.
Para kay Enrile, dapat nang bitawan ng Pilipinas ang isyu sa paglaban sa teritoryo at magkaroon ng “better deal” sa China.
Mahalaga aniya para sa China ang South China Sea dahil isa itong strategic route dahil dito dumadaan ang kanilang enerhiya at pagkain.
Ang dapat pagtuunan ng Pilipinas ay ang pagpapalakas sa kakayahan ng military, pag-angat ng ekonomiya, at pagtuklas sa likas na yamang nakatago sa Philippine Rise o Benham Rise.