Walang bukang-bibig si dating Senator Juan Ponce Enrile pero purihin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong nito ng mapayapang pagresolba sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa kanyang pagiging panauhin sa Talk to the Nation kagabi, pinuri ni Enrile si Pangulong Duterte sa pagpiling makipagdayalogo kaysa sa kontrahin ang China hinggil sa sigalot.
Sabi ni Enrile, kung siya ang nasa pwesto ni Pangulong Duterte ay ito rin ang kanyang gagawin.
“Only history will judge you. And I think that history will judge you very well. If I were in your place I would have — I would have done the same thing,” sabi ni Enrile kay Pangulong Duterte.
“What else can a president of this country do under our present national circumstance? You can shout, you can beat your breast, you can raise your fist. Without any backup, it’s just — that is just noise,” dagdag pa ni Enrile.
Matatalo lamang aniya ang Pilipinas kung patuloy na tutuligsain ng bansa ang China hinggil dito.
Dapat lamang aniya na kaibiganin nag China sa halip na “iritahin” ito.
Dagdag pa ni Enrile, dapat balanse at kalmado ang gawing approach sa China.
Para kay Enrile, walang bansa ang kanyang tapatan ang China kaya tama lamang ang kasalukuyang katayuan ng Pilipinas na huwag galitin ang Asian Giant.
Pinayuhan pa niya si Pangulong Duterte na huwag pansinin ang mga kritiko dahil ang mas kailangan niyang pagtuunan ay protektahan ang interes ng bansa at ng mamamayan.