Cauayan City, Isabela – Aminado ang Environmental and Natural Resources Office (ENRO) Isabela na mayroon paring illegal logging activities dito sa lalawigan.
Ang pag amin ay ginawa ni ENRO Head Geronimo Cabaccan Jr. sa panayam sa kanya ng 98.5 iFM Cauayan. Ayon kay Cabaccan, bagamat bumamaba ang bilang ng kaso ng illegal logging ay hindi parin ito tuluyang nasasawata. Manipestasyon umano ay ang mga nahuhuling mga illegal na pinutol na kahoy sa kanilang mga operasyon. Partikular na tinukoy ni Cabaccan ang carabao at water loging.
Sa kabila nito, pinabulaanan ng ENRO head ang mga balitang mismong tauhan nila ang protector ng mga ipinupuslit na illegal na pinutol na kahoy. Sa katunayan, marami silang nahuli mula Pebreo hanggang ngayon kaya ito umano ang patunay na hindi nila kinukonsinte ang illegal logging sa lalawigan.
Sa kabila ng mahigpit na pagbabantay laban sa illegal logging, ay binibigyan nila ng konsiderasyon ang mga nagpapatayo ng bahay lalo na ang mga walang kakayahang bumili ng bakal at semento. Kinakailangan lamang umanong makipag ugnayan sa tanggapan ng DENR para sa permit.
Kaugnay nito, nakiusap si Cabaccan sa mga mamamayan na huwag matakot magsumbong sa kanilang tanggapan sakaling may alam silang impormasyon kaugnay sa illegal logging activities. Pinaalalahanan din nito ang mamamayan na posibleng makaranasa parin ang lalawigan ng malawakang pagbaha at landslide dahil sa illegal na pagputol ng kahoy lalo na sa mga panahon bagyo at malakas na pag ulan.
Dahil sa patuloy na isyung paglalabas ng mga illegal na pinutol na kahoy sa Isabela, bumuo na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Envirinmental Protection Task Force. Kasama sa isinusulong ng task force ay ang pamamahagi ng libreng fruit bearing tress ng libre tulad ng Rambutan, Native Mango at Calamansi.