Enrolled copy ng 2019 budget, hawak at pinag-aaralan na ng Senado

Hawak na ng Senado ang enrolled copy ng 3.757-trillion pesos 2019 budget na pirmado ni House Speaker Gloria Arroyo.

 

Bukod kay Arroyo ay nakalagda din sa dokumento si Dante Roberto maling na syang Acting Secretary General ng Kamara habang may espasyo naman para sa lagda ni Senate President Tito Sotto III at Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica.

 

Bandang alas kwatro kahapon ng matanggap ng bills and index section ng Senado ang halos pitumpong makakapal na libro na naglalaman ng detalye ng proposed 2019 budget.


 

Ayon kay Sotto, pinag-aaralan na ito ngayong mabuti ng Legislative Budget Reserch and Management Office o LBMRO na syang Technical Arm ng Senate Finance Committee.

 

Sabi ni Sotto, ito ay para madetermina kung totoong may pagbabagong ginawa ang Kamara sa 2019 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at kanilang niratipikahan.

Facebook Comments