Enrolled copy ng Rice Tarrification Bill – hawak na ng Malacañang

Manila, Philippines – Hawak na ng Malacañang ang kopya ng Rice Tarrification Bill.

Kahapon, nang ipinadala ng Senado sa Office of the President ang enrolled copy ng panukala na matatandaang niratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso noong Nobyembre.

Dahil dito, pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para maging ganap na batas ang Rice Tarrification Bill.


Magiging batas din ito kapag hindi ito inaksyunan ng Pangulo sa loob ng 30 araw.

Sa ilalim ng panukala, magiging bukas sa mga pribadong sektor ang pag-aangkat ng bigas kapalit ng pagbabayad ng taripa sa gobyerno.

Dahil dito, inaasahang darami ang suplay ng bigas sa mga palengke at bababa ang presyo nito.

Tatanggalan naman ang National Food Authority ng kapangyarihang mag-angkat at kontrolin ang rice importation, at sa mga local farmer na lang sila bibili ng bigas.

Samantala, mula sa makokolektang buwis, itatatag ang rice competitiveness enhancement fund na gagamiting pang-ayuda sa mga magsasaka.

Facebook Comments