Enrollees sa ALS, halos kalahating porsyento ang ibinawas

Malaki ang ibinawas sa mga enrollees ng Alternative Learning System (ALS) ngayong pasukan dahil pa rin sa epekto ng COVID-19.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Sustainable Development, sinabi ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na mula sa 739,872 enrollees noong 2019 ay halos kalahati ang ibinawas sa mga mag-aaral na nag-enroll na nasa 356,896 na lamang o katumbas ng 48.2% na pagbaba.

Paliwanag ni Malaluan, limitado ang kapasidad at galaw ng mga guro ng ALS ngayong COVID-19 pandemic kaya hirap din sila sa pagpapatupad ng remote o distance learning kumpara sa formal schooling.


Bukod dito, hindi tulad ng formal learning kung saan kada baitang ang pag-progress ng isang mag-aaral, sa ALS naman ay oras na matapos ang buong programa ay diretso na sa equivalency test ang mga estudyante dito.

Dahil sa limitasyon ay hindi muna maipapatupad ngayong may pandemic ang senior high school equivalency sa ALS.

Aniya, may nakapaloob kasi dito na skills training ngunit dahil sa kawalan ng face-to-face classes ay hindi uubra ang workshop-based skills training para dito.

Facebook Comments