ENROLLEES SA CORDILLERA, 88.5% NA!

Benguet, Philippines – Kasalukuyang nakatala ang Department of Education in the Cordillera Administrative Region (DepEd-CAR) ng nasa higit na 88.5% ang mga mag-aaral na nakaenrol para sa darating na pasukan para sa school year 2020-2021.

Sa datos na ipinakita ng DepEd CAR, nasa 26,850 ang nakaenroll na para sa antas ng Kindergarten, 185,309 sa Elementarya, Junior High School na nakatala ng 113,921, 38,554 para sa Senior High School, higit 531 para sa non-graded learners with disabilities at 7,551 sa sektor ng Alternative Learning System (ALS) kung saan sumatutal na higit 372,716 ang nakarehistro o enrolled sa nasa 2,188 na pampubliko at pribadong paaralan sa buong rehiyon kung saan ang iba ay kinikulang pa din ng 50,000 sa kanilang target enrollee na 420,000.

Para naman sa naitalang datos kada paaralan ng iba’t ibang school school division offices (SDO) sa rehiyon, nakatala ang Abra ng nasa higit na 55,224 na mag-aaral, Apayao na mayroong 32,616; Baguio, 63,194; Benguet, 86,230; Ifugao, 40,043; Kalinga, 19,869; Mt. Province, 36,991; at Tabuk City na may 38,549 na enrollees.


Samantala, kasalukuyan padin tinutulungan ng ilang mga sektor ng gobyerno ang ahensya para mas mapabilis ang pagsasaayos at mapaghandaan ng mabuti ang Blended Learning System sa darating na pasukan. Kasama ng Ahensya ng DepEd ang mga opisyal ng barangay, ang mga myembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang Philippine Army (PA) na tutulong sa distibrusyon ng mga modules sa iba’t ibang parte sa buong rehiyong Cordillera.

Facebook Comments