Enrollees sa NCR, umabot na ng mahigit isang milyon ayon sa DepEd

Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) na patuloy ang pagtaas ng bilang ng enrollees sa National Capital Region para sa School Year 2020-2021, sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa datos ng DepEd, sa ikalawang linggo ng online enrollment ay meron ng 1,271,237 na mga estudyante ang nagpa-enroll sa National Capital Region (NCR).

Mula sa nasabing bilang, 66,591 ay nag-enroll sa kindergarten at 635,503 naman ang partial count ng Elementary enrollees.


Ang junior high school ay meron ngayong 471,987 enrollees at 80,915 naman sa senior high school.

Nasa 4,662 naman ang kasalukuyang bilang ng mga nagpalista na learner with disabilities at merong 11,579 enrollees naman sa Aternative Learning System o ALS.

Ang nasabing bilang ay partial pa lang dahil hindi pa tapos ang enrollment para sa academic school year.

Facebook Comments