Enrollment ngayong taon, tumaas ng 7 percent

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, tumaas ng pitong porsyento ang bilang ng mga estudyante ngayong school year kumpara noong isang taon.

Sa pagdining ng Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Senator Win Gatchalian ay sinabi ni Malaluan na nasa 28.2 million ang nag-enroll na mga estudyante ngayon kumpara sa 26.2 million noong nakaraang taon.

Ibinalita rin ni Malaluan na naging matagumpay ang pagbubukas ng klase nitong September 13 at binawasan din nila ang pagiging dependent sa printed modules.


Ayon kay Malaluan, dinagdagan nila ang component ng digitized modules kaakibat ang available na educational TV episodes na nai-produce noong nakaraang taon.

Facebook Comments