Posibleng umpisahan sa susunod na buwan ang enrollment para sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan para sa School Year (SY) 2021-2022.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary for Planning and Human Resources and Organizational Development Jesus Mateo, kadalasang isinasagawa ang enrollment dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase.
Ipinapanukala nila na sa August 16 ang pagsisimula ng enrollment period.
Dahil pa rin sa banta ng COVID-19, ang DepEd ay magpapatupad ng remote enrollment system para sa bagong school year.
Ang DepEd ay nakapagsagawa na ng early registration nitong Marso hanggang Mayo at nasa 4.5 million Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 ang nakapagrehistro na.
Matatandaang inanunsyo ng DepEd na September 13, 2021 ang opening date ng SY 2021-2022 sa ilalim ng “enhanced blended learning.”