Enrollment rate ng DepEd, sumampa pa sa 107.6%

Sumampa na sa 107.6% ang enrollment rate ngayong school year 2021-2022.

Batay sa pinakahuling enrollment tally, mayroon nang kabuuang 28.2 milyong estudyante ang pumapasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Umakyat naman sa 15 rehiyon sa bansa ang nahigitan ang kanilang enrollment target kung saan nananatiling pinakamataas ang naitala sa Region 2 na umabot na sa 122.2%.


Tanging ang Region 3 at National Capital Region (NCR) ang mga rehiyong wala pa sa 100% ng enrollment target.

Sa kabila nito, welcome development sa DepEd ang magandang turnout ng enrollment.

Facebook Comments