Enrollment sa public schools, magtatapos ngayong araw

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na hanggang ngayong araw na lamang maaaring mag-enroll ang mga estudyante sa mga pampublikong eskwelahan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa August 24.

Ayon sa DepEd, maaaring mag-enroll ang mga estudyante sa pamamagitan ng text message, phone call o social media o sa drop boxes sa mga paaralan o barangay hall.

Sa huling datos ng kagawaran, nasa higit 18.8 million na estudyante na ang nakapag-enroll sa public schools habang nasa higit isang milyon pa lamang ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan.


Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, inaasahang bababa ng 20% o halos anim na milyon ang enrollment bunga ng COVID-19 pandemic.

Aniya, hindi na nila aasahang aabot pa sa 27 million ang bilang ng enrollees.

Nasa higit 250,000 students ang lumipat sa public schools.

Pero maaari pa ring tumaas ang bilang ng enrollees sa mga private schools.

Facebook Comments