Ensayo ng Gilas Pilipinas, posibleng maapektuhan dahil sa isyu kay Commissioner Chito Narvasa

Gilas – Posibleng maapektuhan ang pagsasanay ng Gilas Pilipinas na magsisimula ngayong araw dahil sa isyu kay Commissioner Andres “Chito” Narvasa Jr.

Ito ay bilang paghahanda ng national team para sa world cup home-and-away qualifying series ngayong Nobyembre.

Unang makakalaban ng Gilas ang Japan sa Nobyembre 24 at isusunod ang Chinese Taipei sa Nobyembre 27 sa Araneta Coliseum.


Matatandaan na sinabi ng PBA board na ayaw na nilang palawigin pa ang termino ni Narvasa Jr. bilang commissioner sa susunod na season.

Nakatakda ring magpulong ang PBA board sa Nobyembre 10 hanggang 14 sa Los Angeles para sa kanilang annual planning session pero hindi na sigurado kung dadalo pa rito si Narvasa.

Facebook Comments