Entertainer, Nagbigti, Patay!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang entertainer matapos itong magbigti sa loob ng banyo sa tinutuluyang bahay sa Brgy San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Elizabeth Ocampo, 21 taong gulang, walang asawa, at residente rin sa naturang barangay.

Una rito, isang Shirley Demdam na may-ari ng bar na pinagtatrabahuan ni Ocampo ang agad na nag-ulat sa himpilan ng pulisya kaugnay sa nadiskubreng katawan ng biktima sa banyo na nakabigti gamit ang nylon rope.


Isinugod pa sa Cauayan District hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, bago pa nangyari ang insidente ay nagtangka nang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paglaslas sa kaliwang kamay nito subalit napigilan siya ng kanyang mga ka-trabaho.

Nabatid na problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapakamatay ng nasabing biktima.

Facebook Comments