ENVIROMENTAL CRISIS | Action plan para sa Boracay, nakatakdang ilabas bukas

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas bukas (March 12) ang action plan para sa isla ng Boracay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dito magpupulong ang mga kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Tourism (DOT) at Department of Interior and Local Government (DILG) para isapubliko ang magiging hakbang para resolbahin ang environmental crisis sa isla.

Magugunitang magdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity ang isla upang mapadali ang rehabilitasyon dito.


Nagbabala rin ang Pangulo na kakasuhan ang mga opisyal at business owners na hindi makikipagtulungan sa pagsasaayos ng nasabing tourist destination.

Facebook Comments