Environment group, hinikayat si PBBM na tugunan ang plastic crisis sa bansa

Hinikayat ng isang makakalikasang grupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tugunan ang plastic crisis sa bansa kasunod ng malawakang pagbaha na dulot ng Bagyong Carina na pinalakas ng Habagat.

Ayon sa BAN Toxics, ang produksyon ng plastik ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng klima.

Sa kaniyang inauguration address noon, nangako si Pangulong Marcos na tututukan niya ang climate change mitigation.


Ayon kay Jam Lorenzo, pinuno ng BAN Toxics’ Policy Development, isa itong pagkakataon para sa administrasyong Marcos na maging isang tunay na tagapagtaguyod para sa mga bansang mahina ang kahandaan sa isang nagbabagong klima.

Pang apat ang Pilipinas sa buong mundo na pinaka-apektado ng matinding panahon sa buong mundo mula 2000 hanggang 2019 batay sa Global Climate Risk Index.

Facebook Comments