Iniutos ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang pagpapatupad ng engineering interventions upang mapigilan ang illegal wastewater discharge sa Manila Bay.
Kasunod ito ng pagkakadiskubre ng DENR ng culvert o drainage pipe na patagong pinadaan sa mga malalaking bato sa kahabaan ng Manila Baywalk sa Roxas Boulevard na nagtatapon ng untreated wastewater patungo sa lawa.
Nais ni Cimatu na mabarahan ang illegal outfalls upang hindi na dumaloy ang dumi galing sa mga establisyimento patungo sa Manila Bay.
Base sa isinagawang water analysis, ang fecal coliform count sa lugar ay nasa 50 million most probable number per 100 milliliters.
Inaatasan din ang mga establishment owner na kumokonekta sa mga otorisadong sewer lines.
Pinag-aaralan ni Cimatu ang pagsasampa ng legal case laban sa mga may-ari ng mga establisyemento dahil sa posibleng paglabag sa environmental laws.