MANILA – Nilinaw ni Environment Sec. Gina Lopez na hindi pinahinto ng Malacañang ang pagpapasara ng 23 mining operations sa buong bansa.Magugunitang naglabas ng closure order si Lopez sa mga nasabing mining companies dahil sa paglabag sa mining laws at sa saligang batas pero sinabi ng Department of Finance (DOF) na hold muna ang implementasyon.Ayon kay Lopez, kailangan lamang masunod ang mga kinauukulang proseso at tuloy ang pagpapatupad ng kanyang closure order.Aniya, kailangan ng isang milagro para mabago ang kanyang desisyon lalo sa 15 nasa water shed areas.Paliwanag pa ni Lopez, dumaan sa tamang proseso ang pagpapasara sa mga mining companies dahil lumabag ang mga ito sa mining laws at sinira ang kalikasan.Binigyan rin aniya ng show cause order ang mga kumpanya bago ito tuluyang ipinasara.
Environment Sec. Gina Lopez, Nilinaw Na Hindi Pinahinto Ng Malacañang Ang Pagpapasara Ng Mining Operations Sa Buong Bans
Facebook Comments