Environment Secretary Cimatu, kinilala ang mga DENR frontliners sa kanyang year-end message

Binigyang pagkilala ni Environment Secretary Roy Cimatu ang kanilang mga frontliners na nagpatuloy sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang year-end message sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) community, pinasalamatan ni Cimatu ang mga frontliners na sinuong ang banta ng pandemya noong Hunyo nang italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ang pagkontrol sa COVID-19 infections sa Cebu City.

Bagama’t wala namang naitalang casualty sa COVID-19 sa DENR, ikinalungkot naman ni Cimatu ang pagkapatay sa dalawang forest protection officers na bahagi ng pandemic skeletal workforce ng ahensiya.


Dalawang beses na inilagay sa lockdown ang DENR Central Office sa Quezon City matapos makumpirma na positibo sa infections ang labing-isa sa skeletal workforce nito.

Facebook Comments