Inaasahang maisasampa na ng Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) ang environmental case laban sa China dahil sa mga itinambak na sira-sirang bahura sa Sabina o Escoda Shoal.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOJ Spokesperson Assistant Secretary Atty. Mico Clavano, na matatapos na nila ang inihahandang reklamo at ang mga attachments na magsisilbing mga ebidensiya.
Matatandaang kamakailan ay nadiskubre ang pagtatambak ng China ng mga wasak na corals malapit sa Escoda shoal.
Bukod pa ito sa naunang ginawang pagtambak ng mga sirang corals sa Sandy Cays 1,2, at 3 para lumikha ng low tide features na ayon sa mga eksperto, ay ginawa para hindi mapakinabangan ng mga mangingisda.
Hinala ng Philippine Coast Guard, ang bagong pagtatambak na ito ay panimula na naman ng posibleng pagtatayo ng istruktura ng China sa naturang bahagi ng West Philippine Sea.